Unang kaso ng nagkaroon ng severe dengue matapos mabakunahan ng Dengvaxia, naitala ng DOH

by Radyo La Verdad | December 7, 2017 (Thursday) | 2900

Inulat ni Department of Health Secretary Francisco Duque na may naitala silang isang kaso na nakitaan ng sintomas na may severe dengue.

Tumanggi nang pangalanan ng kalihim ang grade 3 student na ngayon ay nasa maayos na umanong kalagayan. Kabilang ang estudyante na ito libo-libong nabakunahan ng Dengvaxia. Ngunit aminado si Duque na hindi pa tiyak kung paano nagkaroon ang bata ng severe dengue.

Samantala, isa-isa namang babantayan at i-susurvey ng DOH Region 3 ang dalawandaan at limang libong mga estudyante na naturukan ng Dengvaxia sa rehiyon upang mamonitor kung magkakaroon ng negatibong epekto ang bakuna sa mga ito.

Ang mga ito ay pawang mula sa Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at  Zambales. Isa rin sa plano ng DOH Region 3 na paliwanagan ang mga magulang ukol sa issue ngayon sa Dengvaxia.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

Tags: , ,