Umano’y pagpapatupad ng P12 minimum fare sa mga jeep, itinanggi ng DOTr

by Radyo La Verdad | September 10, 2018 (Monday) | 5548

Itinanggi ng Department of Transportation (DOTr) ang kumakalat na balita sa social media hinggil sa umano’y pagpapatupad ng 12 piso na minimum fare sa mga pampasaherong jeep.

Sa isang facebook post ng PhilippiNews Trend, sinabi nito na umano’y inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang paninigil ng 12 piso na pasahe sa mga jeep simula sa Nobyembre.

Ayon sa DOTr, walang katotohanan ang naturang balita at nilinaw na nanatili pa ring umiiral ang siyam na pisong provisional fare sa mga PUJ.

Sa panibagong post sa kanilang fb page, humingi na ng paumanhin ang PhilippiNews Trend sa naturang fake news.

Paliwanag nila, na-hack ang kanilang facebook account at nabura na ang nasabing maling artikulo.

Paalala ng DOTr sa publiko, maging mapanuri sa mga balitang kumakalat sa online, o hanggat maari ay bumase lamang sa mga impormasyong naka-post sa mga official social media accounts upang hindi maloko.

 

Tags: , ,