Umano’y overpricing ng Liquified Petroleum Gas (LPG), pinaiimbestigahan ng isang kongresista

by monaliza | March 16, 2015 (Monday) | 1624

lpg-2

Pinasisiyasat ni LPGMA partylist Rep. Arnel Ty sa Department of Energy-Department of Justice (DOE-DOJ) Task Force ang umano’y overpricing ng Liquified Petroleum Gas (LPG) ng mga bulk suppliers nito.

Ayon kay Ty, 50 sentimo kada kilo o 5.50 kada 11 kilogram cyclinder ang itinaas kamakailan ng bulk suppliers sa presyo ng LPG para sa retail consumers habang P1 hanggang P1.50 kada kilo naman ang itinaas para sa bulk costumers.

Iginiit ng mambabatas na walang basehan ang sobrang taas ng patong na ito sa presyo ng LPG dahil ang contract price umano sa abroad ay $471 per ton noong Pebrero habang $472 per ton nitong Marso.

Kaya nangangahulugan na hindi dapat hihigit sa apat na sentimos kada kilo ng LPG ang itataas sa presyo nito sa bansa.