Umano’y maanomalyang Yolanda Housing Project sa Eastern Samar iniimbestigahan ng Kamara



by Radyo La Verdad | September 7, 2017 (Thursday) | 4909

Nais ipatawag ng House Committee on Housing and Development ang National Housing Authority para pagpaliwanagin sa mga anomalyang natuklasan ng kumite sa Yolanda Housing Project.

Ayon kay Committee Chairman Alfred Benitez, ibinunyag ni Engr. Camilo Salazar sa kumite na substandard umano ang pagkakagawa ng proyektong pabahay sa Eastern Samar.

Sa nakalipas na apat na taon, nasa dalawamput tatlong libong mga bahay pa lamang ang naipatatayo at okupado. Malayong malayo pa sa target na 205,128 units sa Eastern Visayas at mayroon pang mahigit pitumpong libong pabahay na hanggang ngayon ay under construction.

Depende sa magiging resulta ng imbestigasyon ng kumite ay maari aniyang irekomenda ang pagsasampa ng kasong plunder at estafa sa mga ito sakaling mapatunayang nagkaroon ng katiwalian.

 

(Leslie Longboen / UNTV Correspondent)

 

 

Tags: , ,