Ulat ng 2015 SALN ng ilang gabinete ni Pangulong Aquino, inilabas na

by Radyo La Verdad | June 23, 2016 (Thursday) | 942
FILE PHOTO
FILE PHOTO

Inilabas na ang kopya ng 2015 Statements of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN ng ilang miyembro ng gabinete ni Pangulong Benigno Aquino the third.

Sa partial na report ng, pinakamataas ang halaga ng assets ni Finance Secretary Cesar Purisima na may mahigit tatlong daang milyong piso.

Pangalawa si Tourism Secretary Ramon Jimenez at pangatlo naman si Health Secretary Janette Garin.

Samantala, may pinakamababang halaga naman ng assets si Education Secretary Armin Luistro na mayroon lamang mahigit limandaang libong piso.

Inaantay pa ang ulat ng SALN para sa 2015 ng limang pang kalihim ng pangulo.

Ayon sa batas, obligasyon ang pagpapasa ng SALN para sa mga opisyal at empleyado ng pamahalaan.

(UNTV RADIO)

Tags: ,