Uber suspension, bahagyang nakatulong sa traffic decongestion sa NCR – MMDA

by Radyo La Verdad | August 24, 2017 (Thursday) | 2327

Tinatayang nasa limang porsyento ng average travel time ng isang motorista ang nabawas nitong nakalipas na isang linggo.

Ayon sa MMDA, bunsod ito ng pagkawala ng mga bumibiyaheng Transport Network Vehicle Service na Uber sa major thoroughfares ng Metro Manila. Batay sa accounting ng LTFRB, mayroong mahigit 66,000 units ang Uber.

Naniniwala rin ang MMDA na malaki ang maitutulong upang maisaayos ang traffic situation kung tatanggalin na ang mga lumang sasakyan at transport services.

Ayon kay Chairman Danny Lim, malaking porsyento ng mga bumibiyaheng sasakyan sa kalsada ay may labinlimang taon pataas nang ginagamit. Gayunman, kinakailangan pa aniyang mapag-usapan itong mabuti kasama ang Land Transportation Office, LTFRB at mga stakeholder.

Isa pa sa nakikitang paraan upang mapabuti ang sitwasyon ng trapiko ay ang pagtatayo ng mga karagdagang imprastraktura.

 

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

 

 

Tags: , ,