Typhoon “MAYSAK”, papalapit na sa PHL Area of Responsibility

by monaliza | March 31, 2015 (Tuesday) | 1702
Source: PAGASA-DOST
Source: PAGASA-DOST

 

PAGASA Weather Satellite Image
PAGASA Weather Satellite Image

Kaninang 4:00 ng madaling araw, ang mata ng bagyong “MAYSAK” na nasa labas pa rin ng Philippine Area of Responsibility, ay namataan sa layong 1,410 km Silangang bahagi ng Surigao City at may lakas ito ng hangin na 215 kph malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na 250 kph. Tinatayang gagalaw ito sa direksyong pa-Kanluran Hilagang-Kanluran sa bilis na 17 kph

Samantala…

Ang Cagayan Valley, Cordillera at rehiyon ng Ilocos ay makararanas ng bahagyang maulap na kalangitan. Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magiging bahagyang maulap hanggang sa maulap na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.

Mahina hanggang sa katamtamang hangin mula sa silangan hanggang timog-silangan ang iiral sa Hilagang Luzon at mula naman sa hilagang-silangan sa nalalabing bahagi ng bansa na may banayad hanggang sa katamtamang pag-alon ng karagatan.

OVER METRO MANILA:

Maximum Temperature: 02:00 PM yesterday —– 34.3 ºC
Minimum Temperature: 06:15 AM yesterday —– 21.8 ºC

Maximum Relative Humidity: 06:00 AM yesterday ——— 85 %
Minimum Relative Humidity: 01:00 PM yesterday ——— 40 %

High tide today: 09:57 AM ……… 0.44 meter
Low tide today: 01:50 PM ……… 0.36 meter
High tide today: 08:26 PM ……… 0.73 meter
Low tide tomorrow: 03:41 AM ……… 0.09 meter

Sunrise today: 05:52 AM
Sunset today: 06:08 PM

(source: PAGASA-DOST)

Tags: , ,