Tumaas sa 3.2 % ang inflation o antas ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin noong buwan ng Mayo 2019

by Radyo La Verdad | June 5, 2019 (Wednesday) | 19121

METRO MANILA, Philippines – Broken na ang 6-month trend ng mabagal na paggalaw ng presyo ng mga bilihin.

Nito lamang buwan ng Mayo, tumaas na ang inflation rate o bumilis ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa sa 3.2 % batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority. Mas mataas ito ng 0.2% kumpara sa 3% noong Abril 2019.

Ayon sa PSA, ang main drivers o sanhi ng mas mataas na inflation ay dahil sa mas mataas na presyo ng pagkain, housing at utilities.

Pare-parehong tumaas ang inflation rate sa Metro Manila at walong rehiyon outside National Capital Region noong nakalipas na buwan.

Nananatili namang pinakamataas ang inflation noong Enero 2019 kung saan naitala sa 4.4 % ang inflation rate.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,