Tugon ng pamahalaan sa dengue outbreak, nais paimbestigahan sa Kamara

by Radyo La Verdad | July 25, 2019 (Thursday) | 6914

Nais paimbestigahan ng Makabayan Congressmen sa mababang kapulungan ng Kongreso ang ginagawang aksyon ng pamahalaan sa pagtaas ng kaso ng dengue sa ilang bahagi ng bansa.

Batay sa house resolution number 124 na inihian ng Makabayan bloc, nais nilang matiyak kung may sapat na pondo ang Department of Health para matulungan ang mga dengue patients.

Kasunod ito ng mga ulat na puno na umano ang mga ospital sa iba’t-ibang lugar sa bansa at kulang umano ang pasilidad ng ilang pagamutan.

Ayon sa Makabayan Congressmen nais din nilang matiyak na magbibigyan ng sapat na pondo ang mga ospital at ang pagsasagawa ng  disease surveillance at immunization sa isasagawang budget deliberation sa Kamara.

 (Grace Casin | UNTV News)

Tags: ,