Tricycle driver patay sa pamamaril sa Caloocan city

by Radyo La Verdad | October 30, 2015 (Friday) | 1427

reynante ponte
Isang trenta anyos na lalaki ang natagpuang wala nang buhay matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Sunflower St. Brgy. 177, sa Caloocan city pasado alas una ng madaling araw.

Kinilala ang biktima sa alyas “Jongjong” na residente ng Kamarin Caloocan at isang tricycle driver.

Tadtad ng tama ng bala ng baril sa ulo, dibdib at tiyan ang biktima.

Narekober ng mga otoridad sa crime scene ang 19 na bala mula hindi pa batid na kalibre na baril.

Ayon sa ilang residente nagulantang anila sila nang makarinig ng sunod-sunod na putok ng baril.

Pagkatapos nito ay nakita nila ang isang kasama ng biktima na sumisigaw at humihingi ng tulong.

Sugatan ito at agad na isinugod ng ilang concerned citizen sa malapit na hospital.l

Sa inisyal na impormasyon na nakalap ng mga otoridad, bago ang insidente ay nasa isang tindahan na malapit sa lugar umano ang biktima at posibleng nagkaroon ng habulan bago ito pinagbabaril.

Sa ngayon ay patuloy na isinisagawang imbestigasyon mga otoridad hinggil sa motibo ng pamamaril.(Reynante Ponte/UNTV Correspondent)

Tags: ,