Tricycle driver na nahagip ng motorsiklo, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | February 13, 2017 (Monday) | 1271


Nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang tinamong bukol sa kaliwang kamay ni Juanito Jimeno, kwarentay singko anyos at residente ng Prk Herbabuena, Brgy.Villamonte, Bacolod City.

Ayon kay Mang Juanito, binabagtas niya ang Circumferential Road, Prk Villamar, Brgy. Mandalagan, Bacolod City noong Sabado ng madaling araw nang mahagip sya ng isang motorsiklo na mabilis ang takbo.

Agad namang nakaiwas ang biktima ngunit nahagip pa rin ang gilid ng kanyang tricycle.

Matapos bigyan ng first aid ay hindi na nagpadala pa sa ospital ang biktima.

Samantala hindi naman nakilala ang driver ng motorsiklo dahil agad itong umalis matapos ang insidente.

(Lalaine Moreno / UNTV Correspondent)

Tags: ,