Towing rates, nais ipaskil ng MMDA sa mga tow truck

by Radyo La Verdad | May 31, 2016 (Tuesday) | 3288

MON_TOWING-RATES
Nais ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na ipaskil sa mga tow truck ang towing rates upang maiwasan na ang overcharging na madalas inirereklamo ng mga nahuhuli.

Sa pamamagitan nito ay maiiwasan rin ang pagsasamantala ng ilang mga towing company sa mga motorista.

Ang planong ito ng MMDA ay bunsod ng dumadaming reklamo laban sa mga towing company na natatanggap ng MMDA araw-araw.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: , ,