TNVS driver na hinihinalang nagtutulak ng iligal na droga, arestado sa isang apartelle sa Cubao, QC

by Radyo La Verdad | November 19, 2018 (Monday) | 1861

Huli sa isinagawang buy bust operation ng Quezon City Station 7 kagabi ang isang hinihinalang drug pusher sa isang apartelle sa Barangay San Roque Cubao, Quezon City.

Nakunan pa ng mga otoridad ang aktuwal na abutan ng droga ng suspek at ng nagpanggap na buyer.

Pagkatapos ng transaksyon, agad na pinasok ng mga otoridad ang kwarto ng suspek na kinilalang si Kristofer Jay Gavino, 35 anyos, residente ng Sampaloc, Manila.

Ayon kay Police Senior Inspector Ramon Aquiatan, nilunok pa umano ng suspek ang mga droga kaya siyam na small heat sachet na lang ang natira.

Narekober din sa suspek ang 500 pisong buy bust money, isang cellphone at maging ang sasakyang ginagamit ng suspek.

Ayon pa sa otoridad, halos isang buwan palipat-lipat ng lugar ang suspek bago masakote sa apartelle.

 

( Gerry Galicia / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,