Driver at pasahero ng tricyle na bumangga sa concrete barrier sa Lucena, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | February 1, 2017 (Wednesday) | 1106


Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang vehicular accident sa may intersection ng Old Manila Road, Barangay Ibabang Dupay, Lucena City sa lalawigan ng Quezon kagabi.

Ayon sa mga nakakita sa pangyayari, mabilis ang takbo ng kotse na may plate number TLZ 261 nang mabangga sa traffic barrier sa gitna ng kalsada.

Humarang naman sa kabilang lane ang nabanggang barrier dahilan upang mabangga rin dito ang isa namang tricycle.

Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang driver nito na kinilalang si Pio Pementel, bente nueve anyos at ang sakay nitong si Jullius Mamarillo, dalawamput pitong taong gulang na iniinda ang pananakit ng ulo.

Agad namang nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang dalawa bago isinugod sa Quezon Medical Center Lucena City.

Samantala pinag-aaralan na ng Lucena PNP ang kasong posibleng isampa laban sa driver ng kotse.

(Japhet Cablaida / UNTV Correspondent)

Tags: ,