Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang 67 anyos na lalake sa bataan na nagtamo ng mga sugat sa mukha matapos itong madapa

by Radyo La Verdad | March 15, 2016 (Tuesday) | 1277

ALFRED_TMBB
Agad nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang isang lalaki na nagtamo ng mga sugat sa baba, nguso at tainga matapos itong madapa sa bayan ng Limay sa Bataan pasado alas nueve kagabi.

kinilala ang biktima na si Danilo De Leon, sisenta’y siete anyos na taga Sitio Mt. View Resort, Brgy. Cabcaben, Mariveles,Bataan.

Ayon kay De Leon, nag-aabang siya ng bus pauwi sa kanila subalit nang aksidenteng nadapa habang tumatakbo pasakay sa ipinaradang bus.

Matapos malapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue si De Leon ay nagpahatid na lamang ito sa kanila.

(Alfred Ocampo / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,