Tiger Woods, hindi muna maglalaro ngayong season

by Radyo La Verdad | July 20, 2016 (Wednesday) | 1016
Tiger Woods(REUTERS)

Tiger Woods(REUTERS)

Kumpirmado ng hindi maglalaro sa alinmang torneo ang dating world number one na si Tiger Woods ngayong season.

Ayon sa ulat patuloy ang isasagawang mahabang pagpapagaling ni Woods sa kanyang operasyon sa likod.

Mula pa noong Agosto, wala ng sinalihang golf tournament si Woods.

Ito ang unang pagkakataon sa golfing career ni Woods na hindi siya makakalaro sa apat na major championships ngayong taon.

Tags: ,