Ticket Vending Machines ng LRT1, hindi pa tumatanggap ng bagong serye ng barya

by Radyo La Verdad | December 27, 2017 (Wednesday) | 3920

Nagpaalala ang pamunuan ng Light Rail Transit o LRT sa kanilang mga pasahero na gumagamit ng Ticket Vending Machines o TVM na huwag gumamit ng mga bagong serye ng barya na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Kabilang dito ang mga bagong one peso, five peso at ten peso coins na sinimulang i-release ng BSP noong Nobyembre.

Ayon sa abisong inilabas ng LRT1, kung walang ibang pera ay bumili na lamang ng single journey ticket o di kaya ay magpapalit ng pera sa mga teller sa istasyon.

Agad umanong iaanunsyo ng LRT management kung maaari nang gamitin ang mga bagong coins sa Ticket Vending Machine.

Tags: , ,