Thabo Sefolosha ng Atlanta Hawks, hindi na makakapaglaro ngayong NBA season dahil sa injury

by dennis | April 10, 2015 (Friday) | 1643
mula sa official Facebook page ni Thabo Sefolosha

mula sa official Facebook page ni Thabo Sefolosha

Hindi na makakapaglaro sa huling apat na NBA regular season games at sa kabuuan ng playoffs si Atlanta Hawks forward Thabo Sefolosha dahil sa tinamong fracture sa binti at ligament tear habang inaaresto ng mga otoridad kasama ang teammate na si Pero Antic noong Miyerkules sa New York.

Kinumpirma ito ng Hawks management at sinabing sasailalim si Sefolosha sa surgery para maayos ang bali sa kanyang binti.

Ayon naman sa abogado ni Sefolosha na si Alex Spiro, tinamo ng kanyang kliyente ang injury habang inaaresto kasunod ng insidente ng pananaksak kay Indiana Pacers forward Chris Copeland sa lugar malapit sa isang Manhattan nightclub.

Si Sefolosha at Antic ay pinalaya na ng mga otoridad at sila’y sinampahan ng reklamong obstructing governmental authority at disorderly conduct.

Tags: , , , ,