Testigong si Edgar Matobato, hindi na ihaharap sa susunod na pagdinig ng Senado

by Radyo La Verdad | October 5, 2016 (Wednesday) | 857

matobato
Ipagpapatuloy ng Senado sa susunod na linggo ang pagdinig sa mga kaso ng umano’y extrajudicial killing sa bansa.

Ngunit ayon kay Committee on Justice and Human Rights Chairman Senator Richard Gordon, hindi na ihaharap dito ang testigong si Edgar Matobato.

Paliwanag ng senador, wala na itog kredibilidad at binabastos nito ang Senado.

Una nang sinabi ni Senator Leila de Lima na importante ang testimonya ni Matobato dahil konektado sa nangyayari ngayon sa bansa ang umano’y sistema sa mga pagpatay sa Davao City noong alkalde pa si Pangulong Rodrigo Duterte.

Tags: ,