Tennis Superstar Serena Williams, kinumpirmang nagdadalantao

by Radyo La Verdad | April 20, 2017 (Thursday) | 715

Tennis Superstar Serena Williams(REUTERS)

Ibinunyag ng tagapagsalita ni Tennis Superstar Serena Williams na buntis ito at manganak ngayong tag-lagas o fall.

Kinumpirma ng publicist na si Kelly Bush Novak ang pagdadalantao ni Williams ilang oras makalipas na i-post ng 35-year-od athlete ang kanyang larawan na naka-kulay dilaw na one-piece bathing suit sa social media.

May caption ang kanyang litrato na “20 weeks”.

Pero dinilete din kaagad ni Williams ang kanyang litrato matapos na i-post kaya marami ang nagduda na siya ay nagdadalantao.

Babalik sa number one ranking si Williams sa susunod na linggo.

Tags: ,