Pararangalan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ang mga taxi operator na lubos na nakikiisa sa Oplan ‘Isnabero’ program ng ahensya.
Irerecord ng LTFRB ang mga trade name at plate number ng taxi drivers na nagsasakay ng mga pasahero sa designated bay areas sa mga mall.
Hinihikayat rin ng ahensya ang mga netizen na makiisa sa kanilang programa sa pamamagitan ng pagkuha ng larawan at ng video ng mga taxi na nagsasakay ng pasahero at nagbibigay ng magandang serbisyo.
I-upload ito sa mga social media at lagyan ng hashtag na ‘Oplan Isnabero.’
Pipili ang LTFRB ng top ten taxi operators at pormal itong ihahayag sa Enero ng susunod na taon.
Tags: bibigyang pagkilala ng LTFRB, Taxi operators na nagbibigay ng magandang serbisyo