Taxi driver na umano’y hinoldup ni Carl Arnaiz, humarap na sa publiko

by Radyo La Verdad | September 11, 2017 (Monday) | 2479

Humarap na kahapon sa publiko si Tomas Bagcal, ang taxi driver na umano’y hinold-up ng 19 anyos na si Carl Angelo Arnaiz.

Ayon sa salaysay ni Bagcal, nahuli umano niya ang binatilyo sa tulong ng mga residente na humarang dito.

Dinala niya ito sa Police Station sa 9th Avenue sa Caloocan City upang masampahan ng reklamo. Inutusan umano siya ng mga pulis na sumunod sa kanila sa C3 road.

Pagkatapos nito ay may nakita siyang naglalakad sa kanyang unahan at bigla na lang nakarinig ng ilang putok ng baril.

Dito na niya nakita ang binatilyo na wala ng buhay. Dagdag pa ni Bagcal, tila “scripted” ang pagkakapaslang kay Carl.

Taliwas ang kwento na ito ni Bagcal sa pahayag naman ng Caloocan Police na umano’y natyempuhan nila si Carl na hinoholdup ang taxi driver.

Sa ngayon ay nasa ilalim ng protection ng grupong rise up si Bagcal na inaming may banta umano sa kanyang buhay.

 

Tags: , ,