Taxi driver na nabundol ng motorsiklo, tinulungan ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | May 25, 2016 (Wednesday) | 968

TMBB
Naabutan ng UNTV News and Rescue na nakaupo sa kalsada si Wilfredo Nunez, isang taxi driver, matapos itong matumba dahil sa pagkakabundol sa kaniya ng motorsiklo na minamaneho ni Edwin Bonggo Jr.

Nagtamo ng gasgas sa kaliwang paa ang biktima na agad nilapatan ng paunang lunas ng grupo at saka inihatid sa hospital.

Ayon sa biktima patawid siya papunta sa kanyang taxi nang biglang dumaan ang motor at siya ay nabundol.

Samantala kasama rin sa nagpasuri sa ospital ang driver ng motorsiklo na nakabangga sa biktima.

(UNTV NEWS)

Tags: , ,