Kampo ni Sen.Grace Poe hindi na ikinagulat ang desisyon ng COMELEC First Division na i-diskwalipika siya sa pagtakbo sa pagkapangulo

by Radyo La Verdad | December 11, 2015 (Friday) | 1198

BRYAN_POE
Hindi na kinagulat ni Sen.Grace Poe ang desisyon na inilabas ng COMELEC na nagdidiskwalipika sa kanya upang tumakbo sa pagkapangulo.

2-1 ang resulta ng botohan ng COMELEC na pumabor upang madiskwalipika si Poe.

Ipinahayag naman ni Sen.Poe na nagpapasalamat pa rin siya at mayroon paring pumanig pabor sa kanya, ngunit hindi parin siya nawawalan ng pag asa kung saan inihalintulad niya ang kanyang pagtakbo sa isang boxing.

Ayon pa sa kanya, sa huli taung bayan parin ang magdedesisyon kung sino ang karapat dapat na piliing mamuno sa 2016.

Nasa Tarlac ngayon araw si Sen.Poe kasama si Sen.Chiz Escudero at ilang mga senatorial candidate sa upang maging tagapagsalita sa ginanap na peace and order conference na nilahukan ng mga lokal officials sa lalawigan ng Tarlac.

(Bryan Lacanlale/UNTV Correspondent)

Tags: , ,