Tatlong sugatan sa motorcycle accident sa Bulacan, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | December 9, 2015 (Wednesday) | 2367

TMBB
Duguan ng madatnan ng UNTV News and Rescue Team ang tatlong lalaki na naaksidente sa motorsiklo sa Mc. Arthur Highway sa Barangay Burol 2nd Balagtas Bulacan pasado alas dos madaling araw ng myerkules.

Nilapatan ng pangunang lunas ng grupo ang mga tinamong injury ng mga biktima.

Ang driver ng motor na si Reynante Sarad 25-anyos ay nagtamo ng sugat sa ulo at gasgas sa magkabilang binti.

Ang angkas naman nito na si Jonnel Tabilog, 23-anyos ay duguan ang mukha dahil sa sugat sa ulo, nuo at ibaba ng labi.

Ayon kay Sarad, pauwi na sila galing sa kasiyahan ng mabangga nila ang isang lalaki na biglang tumawid sa kalsada.

Kinilala naman ang nabanggang lalaki na si Rodrigo Pante, 28-anyos ng Matungao Malolos Bulacan.

Nagtamo naman ito ng posibleng bali kaliwang binti at gasgas sa tuhod.

Inihatid ng UNTV News and Rescue Team ang mga biktima sa Bulacan Medical Center matapos mabigyan ng first aid. (Nestor Torres/UNTV News)

Tags: ,