Tatlong sugatan sa banggaan ng dalawang motorsiklo, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | February 14, 2017 (Tuesday) | 1112


Tatlong lalaki ang nasugatan nang magbanggaan ang dalawang motorsiklo sa Mc Arthur Highway sa Barangay Burol 2nd sa Balagtas, Bulacan kaninang alas nuebe y medya ng umaga.

Nagtamo ng posibleng bali sa kaliwang binti at gasgas sa kaliwang siko at tuhod ang trentay tres anyos na rider na si Arthur Desembra.

Sugat naman sa mga kamay ang tinamo ng angkas nitong si Kenneth Borbon gayundin ang nakabanggan nilang si Edgardo Benivides.

Agad nilapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue Team ang tatlong biktima.

Ngunit tumanggi nang magpahatid sa ospital sina Benevides at Borbon, habang isinugod naman si Desembra sa Bulacan Medical Center.

(Nestor Torres / UNTV Correspondent)

Tags: ,