Tatlong nasaktan sa motorcycle accident, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team at Davao Central 911

by Radyo La Verdad | March 30, 2017 (Thursday) | 1356


Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team at Davao Central 911 ang isang aksidente sa motorsiklo sa Vinzon Street sa Davao City pasado alas dos kaninang madaling araw.

Tatlo ang nasugatan sa insidente na kinilalang sina Bernadeth at Jenny Delda at ang driver ng motorsiklo na si Jason Lito Lamaan.

Nagtamo sila ng mga sugat sa katawan matapos bumangga ang kanilang motorsiklo sa isang kotse.

lumabas din sa inisyal na imbestigasyon na galing sa isang kasiyahan ang mga biktima bago ang insidente.

Matapos bigyan ng first aid ay dinala na ang mga biktima sa Southern Philippines Medical Center.

(Victor Cosare)

Tags: , ,