Nagpahayag na ng malawakang reshuffle si President-Elect Rodrigo Duterte sa hanay ng mga pulis na hindi nagtatrabaho ng maayos upang wakasan ang problema sa krimen at ipinagbabawal na gamot.
Kaya naman si incoming PNP Chief PCSupt. Ronald Dela Rosa desididong wakasan ang problema sa krimen at droga sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan sa pag-upo nya sa pwesto.
Ayon naman kay AIDG Chief of Staff PSSupt. Leonardo Suan, handa nilang tulungan ang mga local police sa operasyon laban sa ilegal na droga sa barangay level bukod pa sa mga high value target na mandato sa kanila.
Maging ang CIDG ay handa ring gawin kahit ang Oplan Tukhang na nais ipatupad ni Dela Rosa kung saan kinakatok ang bahay ng mga pinaghihinalaang drug personalities upang pakiusapan na huminto na o umalis na lamang sa lugar.
(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)
Tags: illegal drugs at krimen, pnp drug operatives, Tatlo hanggang anim na buwang palugit