Tarlac Rep. Enrique Cojuangco, pumanaw na dahil sa aneurysm

by Radyo La Verdad | May 12, 2015 (Tuesday) | 2832

CONG.jpg EDITED

Pumanaw na si Tarlac 1st District Representative Enrique “Henry” Cojuangco dahil sa aneurysm.

Ayon kay House Speaker Sonny Belmonte, ininda ni Cojuangco ang pananakit ng tiyan at binawian ng buhay habang papunta ng ospital.

Inaasahang ibuburol si Cojuangco sa Mt. Carmel sa Quezon City.

Nahalal si Cojuangco sa 15th at 16th congress at naging pinuno ng Nationalist People’s Coalition sa kamara.

Kapatid siya ni San Miguel Corporation Chairman Eduardo Danding Cojuangco at tiyuhin ni Pangulong Aquino.

Tags: , ,