Taiwan, naghahanda na sa pagtama ng supertyphoon Nepartak; Filipino community, inalerto na rin

by Radyo La Verdad | July 7, 2016 (Thursday) | 1386
Taiwan Weather Forecast Center(REUTERS)
Taiwan Weather Forecast Center(REUTERS)

Naghahanda na ang mga residente dito sa Taiwan partikular ang mga nasa coastal areas dahil sa malakas na hangin at ulan na dala ng super typhoon Nepartak.

Tinatayang magdadala ang Bagyong Nepartak ng tatlong talampakang ulan na posibleng magdulot ng flash flood at landslides.

Aabot sa tatlong libong turista ang inilikas mula sa green at orchid islands, dalawa sa popular tourists spots sa Taitung County.

Maraming flights narin ang kinasela patungo ng Taiwan dahil sa bagyo.

Nagdeploy na ng libu-libong tropa ng military ang taiwan government sa mga lugar na inaasahang makakaranas ng malaking pinsala.

Ipina-inspeksiyon na rin ng Taiwanese Premier Lin Chuan sa mga local government ang mga pumping station sa mga sewerage system upang maiwasan ang pagbaha.

Bilang paghahanda naman sa paparating na bagyo kinansela na ang pasok ng mga residente maging ang ilan nating mga kababayan na nagtatrabaho sa bansa.

Ayon kay Manila Economic And Cultural Office o MECO Director Atty. Mario Molina, patuloy silang nakikipagugnayan sa mga Filipino community dito at sa Taiwan authorities.

Sa huling pagtaya ng Taiwan Weather Bureau, ang mata ng Bagyong Nepartak ay 360 kilometers southeast ng Hualien, at kumikilos ito sa bilis na 18 kilometers per hour in a west-northwesterly direction.

Ayon sa mga eksperto, ang Bagyong Nepartak ang kauna-unahang category 5 typhoon na nabuo sa northern hemisphere ngayong taon.

Inaasahang magla-landafall ito sa east coast ng taiwan mamayang hatinggabi o bukas ng madaling araw.

(Amiel Pascual / UNTV Correspondent)

Tags: , ,