Taipei Economic and Cultural Office in the Philippines, nagkaloob ng P11-M para sa mga naapektuhan ng lindol sa Abra

by Radyo La Verdad | August 15, 2022 (Monday) | 11735

METRO MANILA – Natanggap na ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) Chair Silvestre Bello III niong Miyerkules (August 10) ang $200,000 o tinatayang nasa P11-M suportang mula sa Taipei Economic and Cultural Office in the Philippines (TECO) para sa mga labis na naapektuhan ng magnitude 7 na lindol sa Abra nitong July 27.

Maliban sa tulong pinansyal, nagparating din ang TECO Representative na si Peiyung Hsu ng pakikiramay sa mga Pilipinong namatayan dahil sa lindol.

Pangunahin ang mga lugar sa Northern Luzon sa pinakanaapektuhan ng pagyanig kaya’t umaasa ang mga mamamayan ng Taiwan na sa pamamagitan ng kanilang ayuda ay makabawi ang kanilang mga matutulungan.

Samantala, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot na sa 11 indibidwal ang nasawi dahil sa lindol at 513,330 indibidwal ang naapektuhan, habang mahigit 15,000 pamilya ang nawalan ng tirahan sa mga rehiyon ng Ilocos, Cagayan at Cordillera.

(Marc Aubrey Gaad | La Verdad Correspondent)

Tags: ,