Tagum flyover, opisyal ng bukas sa publiko

by Radyo La Verdad | November 26, 2021 (Friday) | 58

TAGUM CITY – Opisyal ng bukas sa publiko ang Tagum Flyover na tinaguriang pinakamahabang flyover sa Visayas at Mindanao matapos ang ginawang inagurasyon nitong Biyernes (Nobyembre 19).

Tinatayang aabot sa 1, 035 meters ang haba nito habang 485 meters naman ang lapad kung saan mayroon din itong 4 lanes at may Mechanical Stabilized Earth (MSE) wall sa Daang Maharlika.

Ngunit sa kabila nito, pinagbabawalan pa ring dumaan sa naturang flyover ang mga Motorized Tricycle, Pedicab, mga 3 Wheeled Vehicle at Prime over o trailer trucks na may timbang na 40 tons.

Inaasahan naman na makakatugon ang bagong bukas na flyover sa mahabang trapiko sa lungsod.

Matatandaan noong Oktubre 4 nang unang buksan ang flyover para sa dry-run at muling isinailalim sa temporary closure noong Oktubre 22 dahil sa minor gradient correction.

Ang nasabing proyekto ay nasa ilalim ng Build, Build, Build program ng administrasyong Duterte.

(Peter John Salvador | La Verdad Correspondent)

Tags: