METRO MANILA – Hindi pa naisasapinal ng Department of Transportation (DOTr) ang desisyon nito kaugnay sa petisyon ng pamunuan ng Light Rail Transit (LRT) Line 1 at 2 na taasan ang pasahe .
Base sa hiling ng mga ito, nais nilang taasan ng nasa P5 ang kasalukuyang minimum fare nito na P11.
Paliwanag ni Transportation Secretary Jaime Bautista, mahalaga ang dagdag pasahe na ito para sa patuloy na pagbibigay ng maayos na serbisyo sa mga pasahero ang mga linya ng tren.
Ayon sa DOTr, kung aaprubahan ang taas pasahe sa mga naturang linya ng tren ay hindi na rin malayong sumunod na rin dito ang iba pang railway system.