Manila, Philippines – Inianunsyo na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang suspensyon ng number coding scheme sa May 10, 13 at 14.
Ito’y upang bigyang daan na makabiyahe ang mga botanteng magsisi-uwi sa mga probinsya
Sakop ng suspensyon ng number coding sa May 10 ang lahat ng provincial buses.
Habang sa May 13 naman, epektibo ang suspensyon ng number coding sa lahat ng uri ng mga sasakyan.
Subalit pagsapit ng May 14, tanging ang mga provincial buses na lamang muli ang exempted sa number coding scheme.
(Asher Cadapan Jr. | Untv News)
Tags: midterm elections, MMDA, number coding scheme, sinuspinde