Suspek sa paggahasa at pagpatay sa 8-taong gulang na bata, nang-agaw umanong baril ng pulis at nagbaril sa sarili

by Radyo La Verdad | July 27, 2017 (Thursday) | 2358


Kasong kidnapping with rape and homicide ang kinakaharap ni Larry Herrera, suspect sa paggahasa at pagpatay sa walong taong gulang na si Christina Claire Medina noong July 19.

Subalit noong Lunes ng gabi, nagbaril umano sa sarili si Herrera sa loob mismo ng headquarters ng PNP-Anti kidnapping group.

Isinasailalim ngayon ng PNP Internal Affairs Service ang dalawang police escort sa kanilang imbestigasyon.

Ayon kay PNP-AKG Director Glenn Dumlao, pagaaralan nila kung may dapat baguhin sa kanilang protocol sa pag poposas sa kanilang mga nahuhuli.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: , ,