Suspek sa Atio hazing case na nagtungo sa U.S., darating sa bansa mamayang tanghali

by Radyo La Verdad | October 10, 2017 (Tuesday) | 3743

Nakatakdang bumalik ng bansa ngayong araw ang isa sa mga hazing suspect na umalis papuntang Estados Unidos.

Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre, alas onse beinte mamayang tanghali nakatakdang dumating sa NAIA si Ralph Trangia sakay ng EVA Air BR 271 galing ng Taiwan. Handa aniya ang DOJ na bigyan ng seguridad si Trangia kung hihilingin nito.

Ayon pa sa kalihim, napag-alaman nila na inihahanda na ng mga otoridad sa Estados Unidos ang deportation ni Trangia kaya’t sa tingin niya ay nagkusa na lamang itong umuwi kaysa maipatapon pabalik ng bansa.

 

Tags: , ,