Surfing sa tubig na walang alon, posible na gamit ang isang electric powered board

by Radyo La Verdad | February 25, 2016 (Thursday) | 2284

SURFING
Maaari ng mag-surf kahit walang alon sa pamamagitan ng isang electric powered board.

Ang electric jet board ng Spanish company na Onean ay pinapagana ng 4 thousand 4 hundred watt electric motor.

Tulad ng traditional long board, nakokontrol ng surfer ang bilis ng jet board gamit ang isang wireless remote.

Ang iba-ibang model ng board ay mabibili sa halagang 3,500 euros o nasa mahigit kumulang dalawang daang libong piso.

Kasama na rito ang battery na kayang magpatakbo ng hanggang dalawampung minuto, charger, leash, footstrap at fin set para sa ilalim ng board.

(UNTV RADIO)

Tags: