Pumanaw na si dating Chief Justice Renato Corona sa edad na anim na pu’t pito.
Ala una kwarenta’y otso ng madaling araw kanina ng atakihin sa puso ang dating punong mahistrado.
Ayon kay Supreme Court Spokesman Theodore Te, sumailalim sa kidney transplant si Corona ilang buwan na ang nakaraan.
Si Corona ang ika-dalawampu’t tatlong punong mahistrado ng Korte Suprema at kauna-unahang myembro ng high tribunal na na-impeach.
Ipinag-utos na ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na ibaba sa half mast ang watawat sa Korte Suprema at sa lahat ng mga korte sa buong bansa bilang pakikiramay sa pagpanaw ng dating punong mahistrado.
(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)