Supply ng tubig sa Metro Manila, binawasan na

by Radyo La Verdad | June 2, 2015 (Tuesday) | 2063

DAMS
Binawasan na ng National Water Resources Board o NWRB ang supply ng tubig sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagbaba ng water level ng Angat Dam.

Ayon sa NWRB, umpisa pa kahapon ay 43 cubic meters per second ang inapruban ng Board na alokasyon ng tubig para sa Metro Manila mula sa dating 44 cubic meters per second

Nilinaw naman ng NWRB na hindi ito mararamdaman ng mga consumer sa Metro Manila dahil sa 24 oras paring dadaloy ang tubig sa kanilang mga gripo

Subalit nagpaalala ang NWRB na magtipid sa tubig dahil kada tatlo o apat na araw ay nababawasan ng isang metro ang water level sa Angat Dam.

Tags: ,