Sugatang pasahero ng tricycle sa Bulacan, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | October 24, 2016 (Monday) | 1049

nestor_tmbb
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang vehicular accident sa Mc Arthur Highway Barangay Burol First, Balagtas, Bulacan kahapon ng tanghali.

Isang tricycle ang umano’y binangga ng kasunod nitong kotse.

Sa lakas ng impact, humiwalay ang motor sa sidecar nito.

Tumilapon naman at tumama sa kasalubong na jeep ang angkas ng tricycle na kinilalang si Cristopher Sayo, trenta y cuatro anyos.

Nagtamo si Sayo ng hiwa sa ulo, gasgas sa likod at binti na agad na nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue.

Wala namang tinamong pinsala ang driver ng tricycle.

Matapos lapatan ng pangunang lunas ay dinala na ang biktima sa Bulacan Medical Center.

Samantala, hindi naman nakilala ang driver ng kotse na agad na tumakas matapos ang insidente.

(Nestor Torres / UNTV Correspondent)

Tags: ,