Sugatang motorcycle rider sa Pampanga, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | October 13, 2016 (Thursday) | 1378

joshua_tmbb
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang banggaan ng isang kotse at dalawang motorsiklo sa kahabaan ng Mc Arthur Hiway sa Barangay Sampaloc, Apalit Pampanga, alas sais y medya kagabi.

Agad na binigyan ng pangunang lunas ng grupo ang biktimang si Arnold Vital, driver ng isa sa mga motorsiklo na iniinda ang mga tinamong sugat sa kanang paa at kaliwang kamay

Wala namang tinamong sugat ang isa pang motorcycle rider

Ayon sa mga naka-motorsiklo, pauwi na sila nang mabangga sa papalikong kotse

Ayon naman sa driver ng kotse na si jonathan sunga, mabilis ang takbo ng dalawang motorsiklo.

Kaya naman matapos malapatan ng paunang lunas ang biktima, pinadala na ng police apalit sa grupo ang dalawang motorcycle rider sa prisinto para sa imbestigasyon sa insidente.

(Joshua Antonio / UNTV Correspondent)

Tags: ,