Sugatang motorcycle rider sa Apalit, Pampanga, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | January 13, 2017 (Friday) | 1436

joshua_tmbb
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang isang motorcycle accident sa kahabaan ng Mc Arthur Highway sa Barangay Sampaloc, Apalit, Pampanga, pasado alas otso kagabi.

Kinilala ang driver ng motor na si Andy Macaspac na nagtamo ng mga gasgas sa kamay at paa matapos sumemplang.

Iniinda rin nito ang pananakit ng kanang kamay.

Agad na nagsagawa ng assessment sa biktima ang grupo ang nilapatan ng pangunang lunas ang mga tinamo nitong pinsala sa aksidente.

Ayon kay Andy, binaybay niya ang Mc Arthur Highway nang may biglang tumawid na pedestrian dahilan upang bigla siyang magpreno at mawalan ng balanse ang sinasakyang motorsiklo.

Samantala matapos mabigyan ng first aid ay tumanggi na itong magpadala pa sa ospital.

(Joshua Antonio / UNTV Correspondent)

Tags: , ,