Sugatang driver ng motorsiklo sa Cebu City, tinulungan ng UNTV News ang Rescue Team

by Radyo La Verdad | January 27, 2017 (Friday) | 1286


Galos sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng bente uno anyos na driver ng motorsiklo matapos mabangga ang sinasakyan nito sa isang taxi sa Legazpi St.,Cor. M.J.Cuenco Ave.,Cebu City kagabi.

Kinilala ang biktima na si Gulben Flores at residente ng Ibabao, Mandaue City.

Agad namang nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang mga iniinda nitong sugat.

Samantala, ang kaibigan naman nito na angkas sa motorsiklo ay tinulungan ng Cebu City Rescue Unit.

Ayon sa ilang nakakita sa pangyayari, mabilis ang takbo ng motorsiklo nang maganap ang aksidente.

Gayunpaman iniimbestigahan pa rin ng mga otoridad ang pangyayari at kung sino ang dapat managot dito.

Samantala matapos mabigyan ng first aid ang dalawa ay tumanggi na ang mga ito na magpadala sa ospital.

(Marlhon Abique / UNTV Correspondent)

Tags: ,