Sugatang driver ng motorsiklo na na-aksidente sa Bulacan, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | February 7, 2017 (Tuesday) | 1322


Dinatnan ng UNTV News and Rescue Team ang isang motorcycle rider na nakaupo sa gilid ng kalsada at iniinda ang mga tinamong sugat matapos ma-aksidente sa Balagtas, Bulacan pasado alas tres y medya kahapon.

Agad namang inassess ng grupo ang kalagayan ng biktima na kinilalang si Michael Mendoza, trenta’y singko anyos, at nilapatan ng pangunang lunas ang mga sugat at gasgas nito sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Kwento ni Michael, binabaybay nya ang kahabaan ng Mc Arthur Highway nang sumabit siya sa isang cable wire.

Samantala, tumanggi nang magpadala pa sa ospital ang biktima.

(Nestor Torres / UNTV Correspondent)

Tags: ,