Substitution ng kandidato para sa 2019 elections, hanggang ika-29 ng Nobyembre na lang – Comelec

by Radyo La Verdad | November 27, 2018 (Tuesday) | 3959

Hanggang sa Huwebes na lamang, ika-29 ng Nobyembre ang deadline ng Commission on Elections (Comelec) para sa substitution o pagpapalit ng official candidate ng isang political party o coalition para sa 2019 midterm elections.

Ayon sa abiso ng poll body, kabilang sa mga kandidatong maaaring palitan ay ang mga nag-withdraw, nasawi o na-disqualify.

Layon nitong maiayos ang listahan ng Comelec ng mga kandidatong ilalagay sa balota.

Samantala, maaari namang magkaroon ng susbstitution hanggang sa kalagitnaan ng araw ng eleksyon o midday kung ang papalit ay kaapelyido ng kandidato.

Tags: , ,