Hanggang sa Huwebes na lamang, ika-29 ng Nobyembre ang deadline ng Commission on Elections (Comelec) para sa substitution o pagpapalit ng official candidate ng isang political party o coalition para sa 2019 midterm elections.
Ayon sa abiso ng poll body, kabilang sa mga kandidatong maaaring palitan ay ang mga nag-withdraw, nasawi o na-disqualify.
Layon nitong maiayos ang listahan ng Comelec ng mga kandidatong ilalagay sa balota.
Samantala, maaari namang magkaroon ng susbstitution hanggang sa kalagitnaan ng araw ng eleksyon o midday kung ang papalit ay kaapelyido ng kandidato.
Tags: 2019 midterm elections, coalition, COMELEC