Sa taong ito, ipinagdiriwang ng WISH 107.5 ang ika-apat na taon ng pagsasahimpapawid nito.
Sa loob lamang ng apat na taon ay malayo na ang narating nito dahil sa groundbreaking innovations ng istasyon.
Bukod sa tagumpay ng Wish FM sa radyo, namamayagpag din ang istasyon sa online community.
Ang Wish ang nananatiling No. 1 FM YouTube channel sa bansa. At kaninang 6:29 ng umaga, umabot na sa apat na milyon ang subscribers ng Wish YouTube channel.
Laman nito ang high quality Wishclusive videos na kuha mula sa sikat na rolling music hub, ang Wish Bus.
Hindi lamang performances ng OPM singers ang mapapakinggan dito kundi maging Wishclusives ng foreign artists.
Naging paboritong online playlist na ng music lovers ang Wishclusives sa Wish YouTube channel.
Kaya naman nag-uumapaw ang pasasalamat ng Wish 107.5 sa mainit na suporta ng wishers sa buong mundo.
Sa ngayon, ang Wish YouTube channel ay mayroon nang 1.4 billion accumulated views.
( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )