Subpoena para sa recruiter ni Mary Jane na si Maria Kristina Sergio, inilabas na ng DOJ

by dennis | April 30, 2015 (Thursday) | 1459

sergio

Naglabas na ng subpoena ang Department of Justice para sa itinuturong recruiter ni Mary Jane Veloso na si Maria Kristina Sergio at Julius Lacanilao.

Batay sa subpoena na inisyu ni Assistant State Prosecutor Susan Azarcon na may petsang Abril 29, Inuutusan nila ang kampo ni Sergio na dumalo sa itinakdang preliminary investigation sa Mayo 8 at Mayo 14 kasabay ng pagsumite ng kontra-salaysay base sa reklamong illegal recruitment, human trafficking at estafa na isinampa laban sa kanila.

Matatandaang sinampahan ng mga naturang kaso ng NBI sina Sergio, Lacanilao at isang African National na kinilala lamang sa alyas ‘Ike’.

Nakatakda namang isilbi ang subpoena kay Sergio ngayong araw sa Kampo Krame kung saan nagpailalim sila sa kustodiya ng PNP.(Jerolf Acaba/UNTV Radio)

Tags: , , , ,