Hinagupit ng malakas na bagyo ang malaking bahagi ng Inglatera na nagdulot ng malaking pinsala sa mga imprastruktura at pampublikong transportasyon.
Kanselado rin ang mga flight na nagmumula sa London Heathrow at Gatwick airports dahil sa malakas na bugso ng hangin na may bilis na 106 miles per hour partikular sa Timog na bahagi ng Britanya.
Mahigit 100,000 libong bahay naman ang nawalan ng kuryente sa kasagsagan ng bagyo, at malaking bahagi nito ay naghihintay pa rin hanggang sa ngayon ng power re-connection.
Samantala, naglabas naman ng 27 flood warnings ang environment agency pagkatapos ng malakas na buhos ng ulan na dulot ng Bagyong Katie.
(UNTV NEWS)