Humingi ng paumanhin si Social Security System Chairman Amado Valdez sa pagkakaantala ng isang libong dagdag monthly pension sa mga retiradong miyembro.
Sinabi ni Valdez hindi pa nalalagdaan ni Executive Sec. Salvado Medialdea ang naturang proposal kaya hindi ito umabot sa kanyang self-imposed deadline na February 15.
Sa ngayon ay hindi pa masabi ni Valdez kung kailan tuluyang maibibigay ang dagdag pension ngunit ipinangako niyang magiging retroactive ito mula Enero.
Tags: humingi ng paumanhin sa naantalang dagdag pension, SSS Chair Amado Valdez
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com